Andres ang Apostol
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si San Andres na tinatawag sa Simbahang Silangang Ortodokso na Prōtoklētos, o ang "Unang tinawag" ay ayon sa mga ebanghelyo ay isa sa mga Labindalawang apostol ni Hesus at kapatid ni San Pedro.[2] Ang pangalang "Andres" ay mula sa ἀνδρεία, Andreia, "pagkalalake, katapangan"). Walang pangalan si Andres na naitala sa wikang Hebreo o Aramaiko. Si Andres ay itinuturing na tagapagtatag at ang unang obispo ng Simbahang ng Byzantium. Siya ay itinuturing na isang santong patron ng Ekumenikal na Patriarkada ng Constantinople. Sinasabing namatay si Andres dahil sa pagkakapako sa krus na hugis "X" o ekis, kaya't nagkaroon ng tinatawag na krus ni San Andres. Patron si San Andres ng mga bansang Eskosya, Gresya, at Rusya.[3]
- Para sa ibang gamit, tingnan ang San Andres (paglilinaw).
Agarang impormasyon San Andrés Apostol, Apostol, Unang Tinawag ...
San Andrés Apostol | |
---|---|
Apostol, Unang Tinawag | |
Ipinanganak | Betsaida |
Namatay | Gitna ng ika-1 dantaon Patras, Gresya |
Benerasyon sa | Kristyanismo |
Kanonisasyon | Panahon ng mga Apostol ni Bago ng Kongregasyon |
Kapistahan | Ika-30 ng Nobyembre |
Katangian | Matandang lalaki na may maputing buhok (magulo sa Silangan) at balbas, may hawak na Aklat ng Ebanghelyo o papel, minsanang nakasandal sa krus na saltire |
Patron | Eskosya, Ukraynya, Rusya, Sicilia (Italya), Gresya, Tsipre, Romania, Patras, Parañaque, Maynila,[1] Amalfi, Luqa (Malta) at Prusya; Dyosesis ng Victoria mangingisda, nagbebenta ng isda, at mga gumagawa ng lubid |
Isara