Talaan ng mga lungsod sa Missouri
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Missouri ay isang estado na matatagpuan sa Gitna-Kanlurang Estados Unidos. Ibinukod ang mga lungsod sa estado sa tatlong kaurian: Class 3, Class 4, at yaong mga nasa tsarter pansaligang batas (constitutional charters). Ang mga pamayanan na may populasyon sa pagitan ng 500 at 2,999 katao ay maiinkorporadang lungsod-Class 4. Maaaring maginkorporada ito bilang lungsod-Class 3 kapag ang populasyon nito ay nasa pagitan ng 3,000 at 29,999 katao. May pagka-kaluwagan sa pamahalaan para sa mga lungsod-Class 3 kaysa mga lungsod-Class 4. Ang mga lungsod na sa ilalim ng mga tsarter pansaligang batas ay maaaring magtakbo sa ilalim ng anumang uri ng pamahalaang panlungsod kapag ito'y isinabatas sa tsarter ng lungsod.
Sa Missouri, ang mga pamayanan na may populasyong hindi bababa sa 500 ay itinuturing mga lungsod. Ang pagiging lungsod ng mga ito at ang kanilang mga kaurian ay hindi magpapalit kahit na mawalan sila ng populasyon, maliban na lamang kung may boto na isinagawa ng mga tao.