Santa Maria del Popolo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Basilika Parokya ng Santa Maria del Popolo (Italyano: Basilica Parrocchiale Santa Maria del Popolo) ay isang simbahang titulo at isang basilika menor sa Roma na pinamamahalaan ng Order ni San Agustin. Nakatayo ito sa hilagang bahagi ng Piazza del Popolo, isa sa pinakasikat na mga liwasan sa lungsod. Ang simbahan ay nakahanay sa pagitan ng Burol Pinciano at Porta del Popolo, isa sa mga tarangkahan ng mga Pader Aureliano pati na rin ang panimulang punto ng Via Flaminia, ang pinakamahalagang ruta mula sa hilaga. Dahil sa lokasyon nito, ang basilika ay ang unang simbahan para sa mayorya ng mga manlalakbay na pumapasok sa lungsod. Ang simbahan ay naglalaman ng mga obra ng maraming sikat na artista, tulad nina Raphael, Gian Lorenzo Bernini, Caravaggio, Alessandro Algardi, Pinturicchio, Andrea Bregno, Guillaume de Marcillat, at Donato Bramante .
Basilika ng Santa Maria del Popolo | |
---|---|
Basilika Parokya ng Santa Maria del Popolo | |
Latin: Basilica Sancta Mariæ de Populo Italyano: Basilica Parrocchiale Santa Maria del Popolo | |
41.911389°N 12.476389°E / 41.911389; 12.476389 | |
Lokasyon | Roma |
Bansa | Italya |
Denominasyon | Katoliko |
Tradisyon | Simbahang Latin |
Websayt | smariadelpopolo.com |
Kasaysayan | |
Itinatag | 1099 |
Nagtatag | Papa Pascual II |
Dedikasyon | Birheng Maria |
Consecrated | 1477 |
Arkitektura | |
Estado | Basilika menor, simbahang parokya (1561), simbahang titulo (1587) |
Katayuang gumagana | Aktibo |
Arkitekto | Andrea Bregno, Donato Bramante, Gian Lorenzo Bernini |
Uri ng arkitektura | Basilika |
Istilo | Renasimiyento at Baroque |
Pasinaya sa pagpapatayo | 1472 |
Natapos | 1477 |
Detalye | |
Number of domes | 3 |
Number of spires | 1 |
Pamamahala | |
Diyosesis | Diyosesis ng Roma |
Klero | |
(Mga) Pari | Ivan Caputo |