Sagisag ng Republika ng Pilipinas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sagisag ng Republika ng Pilipinas ay nagtataglay ng araw na mayroong walong sinag na sa bawat sinag ay isang lalawigan ang katumbas (Batangas, Bulacan, Kabite, Maynila, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac) na pinasailalim sa batas militar ng Gobernador-Heneral Ramon Blanco habang nagaganap ang Himagsikang Pilipino. Ang tatlong bituin na mayroong limang dulo ay sumisimbolo sa tatlong heograpikal na rehiyon ng Pilipinas (Luzon, Visayas at Mindanao).
Sagisag ng Republika ng Pilipinas Coat of Arms of the Philippines | |
---|---|
Versions | |
Salin na kung saan ang mga sakupbayaning sagisag ay tinanggal. Ipinasa ng Batasan noong 1998. Ngunit hindi pa rin ito tungkulanin dahil wala pang pagtutukoy na ipinahahayag. | |
Details | |
Armiger | Republika ng Pilipinas |
Adopted | Hulyo 3, 1946 |
Escutcheon | Dalawang tutop ng kutamayang patindig na may kulay bughaw at pula; pinilakan ng tatlong bituing pariagwat at sa gitnang bahagi ay may habilog na pinilakan ng isang araw na may walong malalaki at maliliit na sinag. |
Compartment | Nasa ilalim dapat ang ngalan ng bansa sa Wikang Tagalog |
Motto | Republika ng Pilipinas |
Other elements | Bald eagle ng Estados Unidos at ang leon ng Kaharian ng Leon |
Nasa kanan ang bald eagle ng Amerika na napaliligiran ng kulay bughaw, sa kabilang dako naman ay napaliligiran ng pula ang leon ng Castile at Leon.
Ang paglalarawang ginagamit sa Sagisag na ito ay mula sa website ng Pamahalaan ng Pilipinas:
Dalawang tutop ng kutamayang patindig na may kulay bughaw at pula; pinilakan ng tatlong bituing pariagwat at sa gitnang bahagi ay may habilog na pinilakan ng isang araw na may walong malalaki at maliliit na sinag. Sa ilalim ay may balumbong na nakasulat ang "REPUBLIKA NG PILIPINAS".[1]