Rafael Arnaiz Barón
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Rafael Arnaiz Barón o San Rafael (Abril 9, 1911 - Abril 26, 1938) ay isang Kastilang santo ng Simbahang Katoliko Romano.[1][2]
Kilala rin si Rafael Arnáiz sa monasteryo bilang Kapatid na (Lalaking) María Rafael. Ipinanganak siya sa lungsod ng Burgos, sa hilaga ng gitnang Espanya. Siya ang una sa apat na anak na lalaki sa isang may-kayang mag-anak na Kristiyano at Katoliko. Bilang isang batang lalaki, nag-aral siya sa ilang mga paaralang pinangangasiwaan ng mga paring Hesuwita.