Paghihinang
anumang proseso ng paggawa para sa pagsali sa mga workpiece nang hindi nagdaragdag ng hindi magkatulad na tagapuno o materyal na pandikit / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang paghihinang ay isang proseso ng paggawa na nagdudugtong sa mga materyales, karaniwang metal o termoplastiko, pangunahin sa pamamagitan ng paggamit ng mataas na temperatura upang matunaw ang mga bahagi nang magkasama at payagan ang mga ito na lumamig, na nagiging sanhi ng pagsasanib. Kasama sa mga karaniwang alternatibong pamamaraan ang paghihinang solbente (ng termoplastiko) gamit ang mga kimikal upang matunaw ang mga materyales na pinagbuklod nang walang init, at mga prosesong estadong-solido ng paghihinang na nagbubuklod nang hindi natutunaw, tulad ng presyon, malamig na paghihinang, at dipusyong pagbibigkis.
Ang paghihinang ng metal ay naiiba sa mga kaparaanang sa pagbubuklod ng mas mababang temperatura tulad ng pagsoldado ng tanso at pagsoldado ng ibang metal, na hindi natutunaw ang baseng metal (magulang na metal) at sa halip, nangangailangan ng pag-agos ng pampunong metal upang patatagin ang kanilang mga dikit. Sa wikang Tagalog, tinatawag din na paghihinang ang pagsoldado.