Paghahating Kanluranin
Pagkakahati sa loob ng Simbahang Katoliko mula 1378 hanggang 1417 / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Paghahating Kanlurarin (Ingles: The Western Schism), tinatawag ding Pagkakahati-hati sa kapapahan (Ingles: Papal Schism) ay isang pagkakahati-hati na naganap sa loob ng Simbahang Katolika Romana na nagtagal mula 1378 hanggang 1417. Tatlong laláki ang sabay-sabay na nag-angkin sa kapapahan at nagsabing sila ang tunay na Papa. Nahimok ng politika imbis na alitang teolohiko, ang pagkakahati-hati ay tinapos ng Konsilyo ng Constance (1414–1418). Ang tunggalian sa trono ng Papa ay nakasira sa reputasyon ng katungkulan. Ang pangyayaring ito ay tinatawag ding Dakilang Paghahati (Ingles: Great Schism), bagama't ang terminong ito ay mas karaniwang ginagamit para sa Paghahati ng Silangan-Kanluran (1054) sa pagitan ng mga simbahang kanluranin, na sumagot sa See of Rome, at ng mga simabahang ortodokso ng Silangan.