Olimpikong maskot
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Olimpikong maskot ay isang karakter na karaniwan ay hayop na katutubo sa lugar o minsang anyong-tao na kumakatawan sa pamanang pangkultura ng lugar na kung saan ginaganap ang Palarong Olimpiko. Mula ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1968 sa Grenoble, Pransiya ang Palarong Olimpiko ay nakapagkaroon ng maskot. Ang unang pangunahing maskot sa Palarong Olimpiko ay si Misha sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1980 na ginanap sa Moskow. Ginamit si Misha nang malawakan sa mga seremonya ng pagbubukas at pagtatapos, nagkaroon ng telebisyong pambata at gumigitaw sa mga paninda. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga paninda ay tumutuon sa mga bata na tumututok sa mga maskot, kaysa sa Olimpikong watawat o mga sagisag pang-organisasyon.