Lawa ng Taal
lawang tabang sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lawa ng Taal ay isang lawang tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ng Luzon, Pilipinas. Ang lawa ay nasa isang caldera na nabuo ng napalaking mga pagputok sa pagitan ng 500,000 at 100,000 taong nakararaan. Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna). Ang aktibong Bulkang Taal na may kinalaman sa sulpurikong nilalaman ng lawa ay nasa isang pulo sa kalagitnaan ng lawa na tinatawag na Pulong Bulkan. Pulo ang tawag ng mga lokal sa nasabing pulo. Dagdag pa roon, mayroong lawa ng bunganga ng bulkan sa Pulong Bulkan na nasa loob ng Lawa ng Taal na nasa pulo naman ng Luzon. Ang lawa ng bunganga ng bulkan ay ang pinakamalaking lawa sa isang pulo sa buong mundo at ang mismong lawa ng bunganga ng bulkan ay naglalaman din ng sarili nitong maliit na pulo, ang Bahaging Vulcan.
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Lawa ng Taal | |
---|---|
Kuhang Satellite na nagpapakita ng Lawa ng Taal at ang pulo sa loob nito | |
Lokasyon | Batangas |
Koordinado | 13°59′13″N 121°00′44″E |
Uri ng Lawa | lawa ng bunganga ng bulkan |
Pangunahing nilalabasan | Ilog Pansipit |
Mga bansang lunas | Philippines |
Painakamahaba | 25 km (16 mi) |
Pinakamaluwag | 18 km (11 mi) |
Lawak | 234.2 km2 (90.4 mi kuw) |
Haba ng dalampasigan1 | 115 km (71 mi) |
Pagkakaangat ng ibabaw | 5 m (16 tal) |
Mga pulo | Pulong Bulkan |
Mga pamayanan | Talisay, San Nicolas, lungsod ng Lipa, Laurel, Lungsod ng Tanauan, Santa Teresita, Mataas na Kahoy, Balete, Cuenca, Alitagtag, at Agoncillo |
1 Ang haba ng dalampasigan ay isang hindi tukoy na pagsukat. |