Huang Xiaoming
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Huang Xiaoming (ipinanganak 13 Nobyembre 1977) ay isang Tsinong artista, mang-aawit at modelo. Ilan sa mga tanyag niyang pagganap sa telebisyon ang pagpapel bilang si Yang Guo sa The Return of the Condor Heroes noong 2006 at Xu Wenqiang sa Shanghai Bund noong 2007. Nakapagtapos si Huang sa Performance Institute ng Akademyang Pampelikula ng Beijing noong 2000, kasabay ng ilang mga sikat na artista na katulad nila Zhao Wei at Chen Kun. Una siyang umangat sa pagkasikat noong 2001 sa pagganap bilang si Emperador Wu ng Han sa teleseryeng Da Han Tian Zi. Nagtamo ang serye ng numero uno sa ratings noong ipinalabas iyon sa Taiwan, at pagkatapos ay nagtamo ang kanyang mga sumunod na drama ng matataas na ratings sa Tsina, Taiwan, Hong Kong at Macau. Noong 2007, naglagda si Huang ng kontrato sa Huayi Brothers at nagsimulang magbigay-tuon sa kaniyang karerang pampelikula, at lumabas sa mga pelikulang The Sniper, The Message, at Ip Man 2. Noong 2010, gumanap siya sa dramang Taiwanes na Summer's Desire, kasama sila Peter Ho at Barbie Hsu. Bumalik siya sa telebisyon noong 2013, sa pagganap ng pambansang bayaning si Yue Fei sa The Patriot Yue Fei.
- Isa itong pangalang Tsino; ang apelyido ay Huang.
Huang Xiaoming | |
---|---|
Pangalang Tsino | 黃曉明 (Tradisyonal) |
Pangalang Tsino | 黄晓明 (Pinapayak) |
Pinyin | Huáng Xiǎomíng (Mandarin) |
Kapanganakan | (1977-11-13) 13 Nobyembre 1977 (edad 46) Qingdao, Shandong |
Iba pang Pangalan/Palayaw |
|
Kabuhayan | artista, mang-aawit, modelo |
Kaurian (genre) | Mandopop |
Taon ng Kasiglahan | 1998–kasalukuyan |
Asawa | Angelababy (2015– ) |
Opisyal na Sityo | huangxiaoming.com.cn |