Gisaeng
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Gisaeng (Hangul: 기생, Hanja: 妓生), na binabaybay din na kisaeng, o ginyeo (기녀), ay ang mga babaeng tagapagtanghal sa Korea na kapareho ng mga Geisha sa Hapon at ng mga Hetaerae ng Sinaunang Gresya. Ang mga gisaeng ay hindi mga babaeng bayarin, kundi mga mananayaw. Bagamat ang tingin ng mga taga ibang lugar sa mga gisaeng ay mga bayarin, ang mga gisaeng ay mga nagtatanghal upang mag-aliw sa iba, lalu na sa mga hari at mga yangban.
Gisaeng | |
Pangalang Koreano | |
---|---|
Hangul | 기생 |
Hanja | 妓生 |
Binagong Romanisasyon | gisaeng |
McCune–Reischauer | kisaeng |
Ang mga gisaeng ay unang lumitaw noong panahon ng Goryeo. Sila ay kinilala ng kanilang pamahalaan upang magtanghal sa ilang okasyon ng kanilang estado. Ang karamihan ay nagtatanghal sa korte, hanggang sa sila ay dumami sa kalupaan ng Korea. Sila ay masusing nagsasanay, ay kadalasang nagtatagumpay sa larangan ng sining o pagtula, bagamat ang kanilang mga kakayahang kasiya-siyang tunay ay kadalasang binabaliwala dahil sa kanilang mababang antas ng buhay.
Bukod sa pagtatanghal, ang mga gisaeng ay maaari rin sa pananahi, pagbuburda, pagluluto, at maging sa panggagamot. Sa ibang pagkatataon, kinakailangan ang mga gisaeng sa paggamot ng mga mandirigma sa panahon ng digmaan.
Ang mga gisaeng, maging sa kasaysayan o sa kathang-isip, ay nagbibigay-halaga sa kultura ng Korea, lalo na noong panahon ng Joseon. Ang ilang sa mga mala-alamat ng Korea, tulad ng kuwento ni Chunhyang, ay itinatampok ang mga giaseng bilang mga bayani. Bagamat nakaligtaan na nang tuluyan ang mga ngalan ng karamihan sa mga makasaysayang gisaeng, ang iba ay ginugunita dahil sa kanilang mga kakayahan at katapatan. Ang pinakasikat na gisaeng na nabuhay noong ika-16 na siglo ay si Hwang Jini.