Cefalù
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Cefalù (Italyano: [tʃefaˈlu]; Sicilian: Cifalù), klasikal na kilala bilang Cephaloedium (Sinaunang Griyego: Κεφαλοίδιον, romanisado: Kephaloídion o Kephaloídon), ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya, na matatagpuan sa Tirenong baybayain ng Sicilia mga 70 kilometro (43 mi) silangan ng kabesera ng probinsiya at 185 kilometro (115 mi) sa kanluran ng Messina. Ang bayan, na may populasyong mas mababa sa 14,000, ay isa sa mga pangunahing atraksiyong panturista sa rehiyon. Sa kabila ng laki nito, bawat taon ay umaakit ito ng milyon-milyong turista mula sa lahat ng bahagi ng Sicilia, at gayundin mula sa buong Italya at Europa. Ito ay miyembro ng asosasyong I Borghi più belli d'Italia ("Ang pinakamagandang nayon ng Italya").[3]
Cefalù Cifalù (Sicilian) | ||
---|---|---|
Comune di Cefalù | ||
| ||
Mga koordinado: 38°02′N 14°01′E | ||
Bansa | Italya | |
Rehiyon | Sicilia | |
Kalakhang lungsod | Palermo (PA) | |
Mga frazione | Sant'Ambrogio, Gibilmanna | |
Pamahalaan | ||
• Mayor | Daniele Tumminello (PD) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 66.24 km2 (25.58 milya kuwadrado) | |
Taas | 16 m (52 tal) | |
Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
• Kabuuan | 14,298 | |
• Kapal | 220/km2 (560/milya kuwadrado) | |
Demonym | Cefaludesi o Cefalutani | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong Postal | 90015 | |
Kodigo sa pagpihit | 0921 | |
Santong Patron | SS. Salvatore | |
Saint day | Disyembre 8 | |
Websayt | Opisyal na website |