Wikang Sebwano
wikang sinasalita ng mga Sebwano at iba pang mga pangkat etniko sa Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 21 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[2] Ito ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.
Agarang impormasyon Sebwano, Katutubo sa ...
Sebwano | |
---|---|
Bisaya, Sinugbuanon | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Gitnang Kabisayaan at Mindanao |
Pangkat-etniko | Mga Bisaya (mga Sebwano, Boholano, Eskaya, atbp.) |
Mga natibong tagapagsalita | 21 milyon (2007)[1] Ikalawang pinakasinasalitang wika sa Pilipinas |
Mga diyalekto |
|
Latin (Alpabetong Sebwano) Sa kasaysayan, nasusulat sa Baybayin | |
Opisyal na katayuan | |
Wikang rehiyonal sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Visayan Academy of Arts and Letters |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | ceb |
ISO 639-3 | ceb |
Mga pook sa Pilipinas na sinasalita ang wikang Sebwano bilang katutubong wika |
Isara