Cabo Verde
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Republika ng Cabo Verde (Ingles: Cape Verde) ay isang republika na matatagpuan sa kapuluan ng ekorehiyon ng Makronesya ng Hilagang Dagat Atlantiko, sa labas ng kanlurang pampang ng Aprika. Natuklasan at ginawang kolonya ang dating walang-nakatirang mga pulo ng mga Portuges noong ika-15 daang taon; naging sentro ito ng kalakalan ng mga aliping Aprikano sa kalaunan.
Republika ng Cabo Verde República de Cabo Verde
| |
---|---|
Kabisera | Praia |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Portuges (opisyal) at siyam na mga wikang Crioulo ng Cabo Verde |
Pamahalaan | Republika |
• Pangulo | Carlos Veiga |
Kalayaan mula Portugal | |
• Kinilala | 5 Hulyo 1975 |
Lawak | |
• Kabuuan | 4,033 km2 (1,557 mi kuw) (ika-172) |
• Katubigan (%) | - |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2020 | 555,988 |
• Senso ng 2005 | 507,000 |
• Densidad | 126/km2 (326.3/mi kuw) (ika-79) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2005 |
• Kabuuan | $3.055 bilyon (ika-158) |
• Bawat kapita | $6,418 (ika-92) |
TKP (2004) | 0.722 mataas · ika-106 |
Salapi | eskudo ng Cabo Verde (CVE) |
Sona ng oras | UTC-1 (Oras ng Cabo Verde (CVT)) |
UTC-1 (wala) | |
Kodigong pantelepono | 238 |
Kodigo sa ISO 3166 | CV |
Internet TLD | .cv |
Ang pangalang "Cape Verde" ay nakagisnang ginagamit sa wikang Ingles para sa kapuluan, at para sa bansa mula nang nakamit nito ang kalayaan noong 1975. Noong 2013, napagpasiyahán ng pamahalaan ng Cabo Verde na ang katawagang Portuges na Cabo Verde ang siyang gagamitin para sa mga layuning opisyal, tulad sa Mga Nagkakaisang Bansa, pati na sa mga kontekstong Ingles. Isang kasapi ng Unyong Aprikano ang Cabo Verde.